My Sadist Princess

My Sadist Princess

Prologue:

What if?

What if magising ka isang araw na wala na ang kalayaan mo?

What If malaman mong hindi mo na pala hawak ang buhay mo?

What If dumating ang araw na malaman mong pinagkasundo ka sa isang taong ni minsan hindi mo nakilala?

Anong gagawin mo?

Paano kung ang taong sapilitang ipinasok sa buhay mo ay ang taong mamahalin mo ng higit pa sa inaasahan mo?

Magagawa mo bang panindigan ang tinakda ng mga taong nasa paligid mo?

O,

Pipilitin mong labanan ito at gumawa ng masayang mundo kapiling ang taong minamahal mo?

Perfect kung idescribe, gwapo, hot, mayaman, habulin ng mga babae, in short SCHOOL HEARTROB. Yan si BRYAN TREVOR MENDOZA, isang lalaking mahilig sa babae. PLAYBOY na walang pakialam sa mundo hanggat may perang umiikot sa kanya. What if malaman niyang tapos na ang maliligayang araw niya?

Certified Man hater, cold hearted girl at self-centered. Yan naman si Ashley Arevalo, nag-iisang  babae sa pamilya kaya kung umasta ay parang lalaki. Mayaman pero simple lang. Sikat dahil anak ng nagmamay-ari ng school na pinag-aaralan. What if malaman niyang itinali na siya sa taong hindi niya kilala?

PLAYBOY  at MAN HATER?

May pag-asa kayang magkasundo ang dalawa?

IMMATURE at SELF-CENTERED, magtulungan kaya sila?

O magkaroon lang ng malaking problema dahil sa mga ugali nila?

FIND OUT

CHAPTER 1

—meet trevor

*Mendoza Residence*

“san ka na naman galing kagabe? Hindi ka na ba magtitino ha bata ka?” maagang panenermon kay trevor ng daddy niya. Unti-unting minulat ng binata ang mga mata,  bumanagon at umupo ng kama.

“ dad, ang aga-aga pa po oh!! Di po ba kayo nagsasawa kakasermon? Tuwing umaga nalang po talaga!” reklamo ng binata.

“aba.. at talagang sumsagot ka pa? papatayin mo talaga ako sa sama ng loob eh no? kelan ka ba magtitno ha trevor?”—dad

“Dad, im having fun lang naman. Anung mali dun?” sabi ni trevor na napapakamot na ng ulo.

“magtigil ka nga! 21 y/o ka na dba? Napaka immature mo pa rin!! Alam mo trev hnidi ako ganyan nung kabataan ko!!” —dad

“eto na naman tayo dad ehh!” reklamo ni trevor.

“Di ka kasi marunong makinig! Wala kang sinusunod sa mga sinasabi ko!” –dad

Hindi na sumagot si trevor, na parang nagpatalo na kasi hindi naman talaga siya mananalo sa daddy niya na walang palya sa panenermon sa kanya.

“pupunta lolo mo dito mamaya, umayos ka! May ididiscuss siya sayong mahalaga!” sabi ng dad ni trevor matapos ang ilang minutong panenermon.

“mahalaga? What is it dad?” tanong nama ni trevor.

“umuwi ka ng maaga para malaman mo. Pag di kita nadatnan dito mamaya tatanggalan kita ng allowance at credit cards!” banta pa ng dad niya.

“opo, uuwe na po ng maaga!” sagot ni trevor na. takot lang niyang mawalan ng pera 😀

Trevor’s POV

Natapos din magsermon si dad.. Hooh, yung tenga ko napasma na yata kakasermon niya. Ano naman kaya yung mahalagang ididiscuss ni lolo sakin?

So yun, after class umuwe na ako kaagad. Di na ko sumama sa gimik ng barkada. Si dad kasi yung tipong ginagawa kung ano yung sinabe, kawalan ko din naman eh. Nasa bahay na si lolo nung makauwe ako.

Watda. Halos mapamura ako nung malaman ko yung mahalagang sinasabi ni dad.

Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko o nabingi na ko kakasermon ni dad eh.

“ano pong sabi niyo lo?” tanong ko pa.

“magpapakasal ka na.” sagot naman ni lolo. Tama nga yung narinig ko! Napatayo ako sa sinabi niya.

“lolo naman, ang tanda tanda niyo na ang hilig niyo pa ring magbiro!” sabi ko, well sana malaking joke lang to.

“Im serious trev. Im not kidding, muka ba kong nagbibiro?” sagot ni lolo. Napaupo ako ulit at nakinig kay lolo. Wow parang gusto kung murahin si lolo at sigaw sigawan sa mga naririnig ko. Pagkasundo daw ba ako sa apo ng kaibigan niya without asking me kung papayag ako!

“lo, new generation na tayo! Hindi na uso yang fixed marriage na sinasabi niyo!” I said. Pwede naman siguro akong magreklamo? Ako tong ipapakasal eh.

“ayusin mo nga yang pananalita mo trevor!” sita sakin ni dad. Actually kanina pa siya nakikinig eh, hindi lang nagsasalita na parang wala lang sa kanya yung ginagawa ni lolo. >.<

“Dad, its unfair!! Wala akong kamalay malay sa mga ginagawa niyo eh!” sagot ko. Sino ba naman kasi ang di magagalit?

“kaya nga sinaasabi ko na sayo ngayon apo. Para di ka na magulat pag araw na ng kasal mo.” Sagot ni lolo.

“lolo naman, sa tingin niyo ba hindi ako nagugulat sa mga sinasabi niyo ngayon? Wag naman kayong padalos dalos..! parang hindi niyo naman ako apo niyan eh.!” Paliwanag ko. Eh siya kayang magpakasal? Nahihighblood na ko >.<

“oh sige ganito na lang. maagkaroon tayo ng deal.” Sabi ni lolo. Napataas yung isang kilay ko. Oo marunong ako magtaas ng kilay bakit ba?

“anong deal naman po yun?” tanong ko.

“I’ll give you 2 weeks para maghanap ng mapapangasawa mo.” Sagot ni lolo.

This time, mas lalo kong nagulat sa sinabe niya.  Ano ba to? Lolo ko ba talaga to? Niloloko niya ba ako? Asawa? At bakit? Sa loob ng 2 weeks, paghahanapin niya ko ng mapapangasawa? Ok lang ba talaga to si lolo?

“asawa? Bat kailangan kong magnahap ng mapapangasawa?  21 pa lang ako lo. At nag-aaral pa ko kung nakakalimutan niyo po.!” Reklamo ko.  Nagtataas na talaga ako ng boses..

“masyado na kong matanda apo. Hindi ko na maaantay. Kaya nga pinagkasundo na kita kasi gusto ko na makita kang may sarili ng pamilya.” emote ni lolo.

“ matagal pa buhay niyo lo! At pano kung di ako makahanap ng mapapangasawa? Napaka imposible ng gusto niyo eh!” sagot ko, daig ko pa nasa drama eeh

“edi simple lang! susundin mo gusto ko.. challenge ko sayo to trev, kaya pagbutihan mu ha apo.” Sabi ni lolo. He just smiled at me na parang wala lang sa kanya ang lahat. Maya-maya pa tumayo na siya na parang nagreready ng umalis.

“lo di po to pwede.. you cant  do this to me!” sabi ko pa, pero parang di ako narinig. Dumerecho lang sila ni dad palabas ng bahay.

DAMN!!  yun lang ang nasabi ko. Ano nang gagawin ko ngayon???

 

 

 

Chapter 2

— wanna know who she is?

*Arevalo Residence*

“what? Hindi to pwede!! Grandpa can’t do this to me!” galit na saad ni Ashley sa daddy niya. Bakit nga ba? Dahil lang naman nalaman niyang ipinagkasundo siya ng lolo niya sa isang taong hindi niya kilala.

“Im not a puppet.. huwag niyo nga kong isali sa business niyo. Masyadong tahimik ang buhay ko para patulan yang kalokohan niyo!!” dagdag pa ng dalaga.

“Ashley Calm down.. this is your grandpa’s decision and you know that no one can break his words.” Sagot ng ama ni Ashley. Napailing ang dalaga.

“Dad Ayoko! Sabihin niyo kay grandpa na siya na lang magpakasal kung gusto niya. Im not crazy to follow his decision.!!” Sabi ni Ashley at tinalikuran ang ama. Palabas na siya ng bahay pero hinarang siya ng mga bodyguard nila.

“Gusto niyong masaktan? Umalis nga kayo sa harapan ko!!!” bulyaw ni Ashley sa mga ito pero hindi parin tumabi.

“ash, papunta na dito ang lolo mo. Hindi ka pwedeng umalis ng bahay!”—daddy

“dad.. this is so unfair!! Pinaparusahan niyo ba ako?ano sa tingin niyo tong ginagawa niyo sakin?” inis na inis na saad ni Ashley na napaupo nalang sa sofa.

“ash, this is for your own good. Just do what your grandpa wants you to do para wala ng problema.”—daddy

“for my own sake? Nagpapatawa ba kayo? Dad naririnig niyo ba yang pinagsasabi nyo? Inaalis nyo freedom ko eh!” sagot ni Ashley na napatayo ulit.

“alam mo namang ito ang gusto ng lolo mo.”—daddy

“what the hell.. wala akong pakialam, this is my life kaya pwede ba tantanan niyo ko!!” saad ni Ashley na hindi na kinaya ang pakikipag-usap sa ama at tumakbo na paakyat ng kwarto niya.

*Ashley’s POV*

MARRIAGE?? I never imagine myself walking in the aisle. how can I marry someone that I don’t even know? They are crazy. Yung feeling na ginagamit? I think it’s me. Galit talaga ako, ayoko sa lahat yung pinapakialaman ang buhay ko.

That night grandpa talked to me, kung ano yung sinabi ni dad yun lang din yung sinabi niya. Paulit-ulit! I even begged him to stop manipulating my life coz it’s not totally fair. Eeh para lang yata akong nakipag-usap sa hangin. Di ako pinakinggan ni grandpa.

The next day, nagpunta ako sa house ni grandpa, for what? Para lang naman iconvince siya na itigil tong kalokohan niya pero wala talo parin ako.

Halos one week na akong nagmamakaawa. Umiiyak na nga ko sa harapan nila eh, parang di nila ko mahal.. I HATE THIS!!

At dahil nga sa ginaganito nila ko, hindi ko na sila pinapansin. Even my kuya Marcus, kahit wla siyang kasalanan. Damay damay na eh.

Saturday night, nanonood ako ng TV sa sala then tumabi sa akin si kuya.

“bi, balitang balita yung ginawa mung pagsampal dun sa umaway sa bff mu ah.” Sabi niya.

“ MAMATAY NA ANG NAGTANONG!” sagot ko, kasi nga galit ako. Everyday akong bad vibes eh.

“ai naku, you’re still angry? Pati ba naman sakin?” tanong niya.

“Sa pagkakaalam ko, hindi rin tayo close ngayon!” I said tapos tinarayan ko siya.

“bi naman! Alam mo naming ayaw kong nagagalit ka sakin eh, wag mo naman akong idamay oh!” he said while hugging me. Tinitigan ko siya ng masama.

“kuya pwede ba, wag ka munang lalapit sakin kung ayaw mong masaktan. Mainit ang dugo ko. Baka masipa kita ng wala sa oras.” Sabi ko.

“oohhh scary.. if that’s what you want baby. Basta kuya is here for you no matter what happen okay?” he said then he kissed my forehead tapos umakyat na siya ng kwarto.

Ansama ko bang kapatid? Hindi naman ako ganito. Sadyang di ko lang gusto tong nangyayari. >.<

CHAPTER 3
—-First Sight

Ashley’s POV

Dumating yung araw na kinaiinisan ko, ang araw na mamimeet ko yung sinasabi nilang ipapakasal sakin.pupunta daw dito sa house yung family nila ng sa ganun magkakilala na kami. Well, as if naman ng gusto kong makilala yung lalaking yun.

Magtatanghali na nang makarating sila sa bahay. Ansarap sabihing hindi sila welcome!!! Nasa kwarto lang ako, ayokong lumabas coz I might kill them all. Pero maya maya pa tinawag ako ni kuya Marcus.

“Bi Ash, tawag ka.” He said, kunwari wala akong narinig. Nakahiga lang ako sa kama.

“baba ka na ha..” huling saad ni kuya then umalis na siya.

After an hour, si grandpa na sumundo sa akin. Ayoko pa ngang lumabas eh, pero ang kulit ng feeling teenager kong lolo! Ano pa nga bang magagawa ko? Eto naman akong parang robot na sumunod pero syempre nag-ayos muna ako.

“good to see you Ashley.” Bati sakin nung kaibigan ni lolo.

“you’re so beautiful” dagdag pa niya. Ofcourse I smiled! Kahit fake, pinupuri ako eeh.

“Lolo naiwan niyo po tong phone niyo sa car.” Sabi nung lalaking galing yata sa labas. Napatingin ako sa kanya, napatingin din siya sa akin pero hindi ko gusto yung titig niya kaya tinarayan ko siya.

“ Oh trev, meet your future wife.” Sabi nung lolo niya. WALA TALAGA AKONG NATATANDAANG PUMAYAG AKO SA KASALANG TO!! >.<

“hi im Bryan Trevor, nice to meet you.” Sabi nung lalaki.

“im Ashley, nice to meet you too.” Sabi ko, pero hindi ako nakaharap sa kanya. Ayoko siyang tignan bakit ba?

After maglunch, nagkwwentuhan mga lolo namin nung trevor dun sa garden.. Si kuya umalis naman kasi may importanteng thesis na tatapusin. At ako? Eto nasa sala at nanunuod lang ng TV. Si trevor nakaupo lang sa sofa. Tahimik kami pareho, nagpapakirandaman..  waaaaaaahh hindi ko na kaya!! Nagsalita na ako.

“ui ikaw” napatingin naman siya sakin,

“nafefeel mo naman siguro na hindi ko gusto tong nangyayari?” sabi ko.

“at sa tingin mo gusto ko to? Pareho lang tayo no.” sagot naman niya. Nabuhayan ako sa sinabi niya at inaamin ko yun 😀

“ganun naman pala, gumawa ka rin ng way para tumigil sila sa kalokohang to.”sabi ko na mejo nagmukang anghel. Akala ko gusto niya tong nangyayari hindi naman pala! Dapat lang siguro na magtulungan kame diba?

“ano naming gagawin ko?” tanong niya.

“try mu kayang mag-isip!” bulyaw ko sa kanya. Ano ba siya walang utak?

Pinag-iinit niya ulo ko.

“hey alam ko na ayaw mung magpakasal pero wag ka naming ganyan! Bat ka sumisigaw?” reklamo naman niya.

“”hindi ako sumisigaw! Pero kung di ka gagawa ng paraan paara matigil to, ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, di lang sigaw aabutin mo sakin. Ikaw din! Di ako masarap maging asawa..” sagot ko sabay akyat ng kwarto ko, sana naman makuha siya sa sindak..

TREVOR’S POV

Nameet ko na yung girl na gustong gusto ng lolo ko for me. OO! Napawow ako bakit? Ang ganda niya, simple lang pero ang lakas ng dating niya. Ang amo ng mukha niya.

Her eyes, the way she looked at me, NAKAKATUNAW! Kahit na hindi siya maganda tumingin. Basta she’s PERFECT!! Too perfect for me, pero may kapangitan nga lang yung ugali niya.

hindi ako sumisigaw! Pero kung di ka gagawa ng paraan para matigil to, ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, di lang sigaw aabutin mo sakin. Ikaw din! Di ako masarap maging asawa” banta niya sakin bago siya umakyat ng kwarto. Anong problema niya? Akala ba niya siyang lang tong nahihirapan sa sitwasyon namin?

1week and 4days, wala pa rin akong nakikitang pwede kong maiharap kay lolo. T.T

1week and 2days, WALA PA RiN!!

1week,  T.T

5days, TAE KINAKABAHAN NA AKO L

4days,

3days . . . .

2days . . . .

1DAY!!! GiVE UP NA AKO 😥

Friday morning . . .

Tapos na palugit ko. .

Mas masaklap pa sa koreanovela tong nagaganap sa buhay ko. Sa lahat ng nakarelasyon ko, wala ako ni isang natipuhan. Oo naging girlfriends ko sila pero di ko talaga kayang maging asawa ang ni isa sa kanila. L nakakadiri eeh.

Alam niyo bang may cell# ako ni Ashley? Binigay sakin ng lolo niya. Ngayon gusto kong makipagkita sa kanya. Wala lang. gusto ko lang ishare yung kalokohang paghahamon sakin ng lolo ko at sabihing wala na ata kaming magagawa.

Tinawagan ko siya, mga 4rings lang sinagot na niya.  .  .

“who are you?” ganito ba talaga to? Di man lang mag-HELLO muna!

“hey its me, Trevor”

“what to do you want? Paano mo nakuha number ko?”  mahilig siyang magtanong ahh.

“binigay sakin ng lolo mo. Uhmm can we meet?” pumayag ka please.

“Im busy.”

“Please. We really need to talk.” Hindi ako mahilig magsabi ng PLEASE ah.

“what is it all about ba?” mejo naiirita na yata siya.

“ano pa ba sa tingin mo?”

“ok fine, nasa school ako eeh. Alam mo ba yung SJ university?” pumayag din. J

“yeah ofcourse.”

“may coffee shop sa tabi ng school. Meet me there at 2pm.” Call ended.

1:50pm nandito na ako sa coffee shop.

2:30pm naman siya dumating. HiNDi RiN AKO iNUGAT EH NO.

“anong meron?”  tanong niya after niyang makaupo.

“umorder ka muna” umorder naman siya ng tubig..

“ano ba yung pag-uusapan natin?” tanong niya

“binigyan ako ni lolo ng 2weeks para maghanap ng mapapangasawa.” I said, sa mukha niya alam kong nagtataka siya.

“kapag daw may naiharap ako sa kanyang babae na pakakasalan ko, ititigil daw niya tong kasal na gusto niyang mangyari BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH”

At yun nga pinaliwanag ko lahat lahat ng dapat niyang malaman.

“I can’t believe this, binigyan ka na pala ng chance para matigil to hindi mu parin nilubos? Edi sana kung wala kang nahanap nanghatak ka na lang ng babae sa bar or sa tabi-tabi!!” saad niya. Medyo di ko nagustuhan yung sinabi niya >.<

“hey, hindi ako cheap! At hindi ako pumapatol sa cheap kung hindi mo nalalaman!!” sagot ko sa kanya. Pasaway tong babaeng to, bat ako manghahatak? Ano ako rapist?

“ngayon ka pa nag-inarte!!ano na lang gagawin natin nito?!!” sabi niya. Ayan na naman siya sa tingin niyang hinddi maganda.

“teka bat parang sinisisi mo ako?” nagtataas na rin ako ng boses. Gumawa naman ako ng paraan eh!

“kasi kung ako nasa sitwasyon mo, kakaririn ko yang challenge ng lolo mo.!” Sagot niya.

Alam ba talaga niya sinasabi niya? Nakakahighblood tong babaeng to >.<

“bat ako lang tong sinisisi mo? Sa napapansin ko Ms.Arevalo ikaw tong hindi kumikilos dito!!” sabi ko, di ko mapigilan yung asar ko haisssh

“anong hindi kumikilos? Eeh halos lumuhod na nga ko sa grandpa ko para lang itigil tong kalokohang to eh!!” sagot naman niya.

“at wala pa ring nangyayari diba? Bat ba yaw magsink-in jan sa utak mo na wala na tayong magagawa?” kung meron man siyang utak!

“at ano? Magpapakasal na lang tayo? Alam mong hindi pwede yun! Ayoko” sagot naman niya, halos pagtinginan na kami ng mga tao sa boses niya.

“di ko rin nman gusto tong nangyayari eh” sabi ko.

“ewan ko sayo! You’re crazy Mr. Mendoza!!”

“Face the fact Ms. Arevalo!!”

“SHUT UP!!” then she left. Napabuntong hininga na lang ko.

Mukang laging gyera pag naikasal nga kami.

CHAPTER4

Ashley’s POV

Face the fact Ms. Arevalo

Face the fact Ms. Arevalo

Face the fact Ms. Arevalo . . .

HiNDi!!!!!!!!! Ayoko talaga!!!

Sana ako na lang yung binigyan na chance diba? Edi sana tapos na tong problema. Nakakaasar talaga yung lalaking yun. Buti nalang iniwan ko na siya, baka kung ano pang nagawa ko sa kanya pag nagkataon. >.<

Bumalik ako sa school tapos pumunta ako sa rooftop. Dun lang naman ako madalas naglalagi.

I need someone right now kaya tinawagan ko si Spencer, ang bestfriend ko. Maya-maya lang dumating na siya.

“Hey Ash, what’s up?” mukang nag-aalala c bestfriend.

“buti naman pumunta ka!” sabi ko sa kanya then I smile pero pilit.

“I know you, hindi mo ko pinapapunta dito kapag di ka problemado!” he said..

“alam mo naman pala eeh.” Then I punched his arm pero mahina lang.

Naupo kami sa lapag, mukang excited na siyang makinig.

“don’t tell me about to dun sa fixed marriage.” Sabi niya,

“ano pa nga ba! Nahihirapan na ako eh, alam mo ba binigyan pala ng chance si Trevor ng lolo niya para matigil tong kasal kasalan na to?” saad ko, nakwento ko na nga pala sa kanya si trevor.

“anong chance naman yun aber?”—spencer

“Binigyan daw siya ng 2 weeks para maghanap ng magiging asawa, then kapag may napakilala siya sa lolo niya ok na ang lahat!” kwento ko.

“then what happened? Nakahanap naman ba?”—spencer

“Yun nga eh, nag-inarte siya spenz, wala tuloy siyang nahanap at tapos na yung 2weeks na palugit niya!” sagot ko, natawa naman si spencer sa sinabi ko. Loko talaga to eh. Nag-eemote kaya ako.

“Ok ka lang ba  Ash? Sa tingin mo sino kayang makakahanap ng mapapangasawa sa loob ng 2 weeks?” tawa pa rin siya ng tawa.

PAK! Batukan ko nga.

“ayan ka na naman ahh!! Nagiging sadista ka na naman!!” he said.

“ikaw kasi eeehh!! Kita mo naming masama loob ko tumatawa ka pa jan! anong klase kang kaibigan?” reklamo ko >.<

“Alam mo ash, hindi mo siya masisisi! Eh kahit ako hindi ako makakahanap ng asawa sa loob ng 2weeks!” paliwanag niya.

“ang unfair, sana ako na lang yung bingyan ng chance eh.” Sabi ko.

Tumawa na naman siya. Gosh spencer mapapatay kita eeh >.<

“at sino naman tong ihaharap mo sa lolo mo kung ikaw yung nabigyan ng ganung chance aber?” nanghahamon yung tanong niya ahh, napaisip ako dun infairness.

“IKAW!!” sagot ko after a minute.

“AKO??? AYOS ASH!!!!” mas lalo siyang natawa. ANO BA!!

“oo ikaw, diba bestfriend kita? Alam ko tutulungan mo ko,” I said.

“ikaw Ashley ahh, alam kong gwapo ako at alam ko din na may pagnanasa ka sakin pero  — “

PAK! Isa pang batok!

“ano ba!! Nabobobo na ko kakabatok mo eh” reklamo niya

“Eh bat mo kasi ako tinatawanan? Gusto mo talagang masaktan eh!” sagot ko.

“Eh panung di ako tatawa!! Sa lahat ba  naman ng pwedeng iharap mo sa lolo mo, ako pa talaga  tong nakita mo!”—spencer

“Eh kasi naman, ikaw lang tong maihaharap ko diba? Utak nga!” inakbayan niya naman ako.

“alam mo ash, hindi mo ko pwedeng isangkalan jan sa problema mo, tsaka alam ng lolo mo na magbestfriend tayo! Nawala na ba utak mo at hindi mo naisip yun?”

WALA TALAGA SIYANG PAKISAMA!

“Spenz deperada na ko!” nakakaasar na kaya.

“Alam ko halata naman eh, kahit sino naman sigurong malagay jan sa situation mo magkakaganyan eeh,”

Napatayo ako, I found myself crying.

Hindi ko kasi matanggap na sa dinami dami ng pwedeng mapunta sa ganitong kalagayan , ako pa talaga tong napag-intirisan.

Humihikbi na ako.. kainis, ngayon na lang ulit ako umiyak since nung mamatay si mommy eehh T.T

“hey, are you crying?” narandaman kong tumayo si spencer tapos humarap sakin.

Nag-iba yung expression ng mukha niya, kung kanina mapangloko, ngayon malungkot na rin like me.

“If only I can take away your pain, I’ll do it just to make you happy.” He said then he hug me then I  cry out loud.

 

 

 

 

 

 

CHAPTER5

Ashley’s POV

Its been a week since magpakasal kami.

OO! Sa kasawiang palad natuloy yung kalokohan ng mga lolo namin ni Trevor, nakakalungkot nga eeh, dumating nga ko sa point na naglayas ako pero kita niyo naman, wala paring nangyari. Ang bilis ng mga pangyayari, 1week preparation nga lang yata yung ginawa para sa kasalang to. Pero di kami nagpakasal sa church no, ayoko namang lokohin yung sarili ko sa harap pa ng Diyos. Pumayag naman sila eeh, judge ang nagkasal samin.

TADA! We are now living under the same roof.

Alam niyo bang sa sobrang laki ng bahay namin ay isa lang ang kwarto?

Sadyang nang-aasar ang mga tao sa paligid namin eeh, ayan!

Pero dahil hindi naman kami pwedeng magsama sa isang kwarto ( MAPAPATAY KO SIYA KUNG SAKA-SAKALI ) nagkaroon kami deal.

Every mon,wed,fri and sun ako natutulog sa kwarto.

Every tues,thurs, and sat naman si trevor.

Sa kwarto at sofa bed lang naman kami nagsasalit-salit.

Nakikita niyo ba ang difference?

Mautak lang talaga ko.. J

Nagset din pala ako ng rules sa bahay.

  1. Bawal akong hawakan.
  2. Bawal akong kausapin.
  3. Bawal akong istorbohin kapag may ginagawa ako at kahit na wala.
  4. Bawal magdala ng barkada o babae niya sa bahay.
  5. Bawal din ang kahit anong pet.
  6. Bawal din mangialam ng mga gamit ko.
  7. Bawal kainin ang pagkain ko.
  8. BAWAL MALAMAN SA SCHOOL  NA MAG-ASAWA KAMI!

Lahat pabor sa akin e no? mas okay na ito kaysa naman sa araw-araw akong magbanta sa kanya diba? Mas mabuti ng alam niya lahat ang gusto kong mangyari.

Wala rin kaming katulong, pinaparusahan yata ako, sabi ni grandpa tutal naman daw marunong akong magluto ipagluto ko daw ang ASAWA ko! Eh ayaw naman magsink-in sa utak ko na asawa ko siya kaya di ko ginagawa yun, sa labas ako lagi kumakain, sinasamahan naman ako ni Spencer my bestfriend habang siya ewan ko kung ano kinakain niya. We’re not close.

Back to real life na tayo,

Waaaah im so late na naman! Tuesday kasi, at sa sofa bed lang naman ako natulog!

Pasaway naman tong si trevor hindi man lang ako ginising!!

So nagmadali na nga ako.

Nakarating na ako ng school.

pagpasok ko ng room buti na lang wala pa yung masungit naming prof. MABUHAY! Naupo na ako sa pwesto ko, yung kaseatmate ko naman tulog!

At speaking of seatmate, kilala niyo ba kung sino siya?

Si TREVOR!

Pinagtransfer lang naman siya sa school after naming magpakasal.

sa Math, Physics, World politics at international law kami magclassmate. At sa mga subjects na yun parati rin kaming magkatabi.

Nagising siya ng maupo ako, naingayan yata sa paglapag ko ng mga libro ko,

“bakit di mo ko ginising?” mataray kong tanong sa kanya.

“ano ba yung rule #2 mo? Bawal kang kausapin diba?” sagot naman niya. Loko to ah

“sige, from now on, idisregard mo na yung rule #2 ko,” sabi ko.

“ok, so 7rules na lang yung susundin ko.” He said tapos nagstretch siya ng kamay. ANAK NANG! Suot niya yung wedding ring niya!

“Diba sabi ko sayo wag mo susuutin yang wedding ring pag nandito ka sa school?” pabulong kong saad sa kanya. Pasaway talaga to >.<

“ay, sorry naman! Nakalimutan kong hubarin.” He chuckled.

“nakakainis ka talaga!” yun lang ang nasabi ko tapos humarap na ko sa bintana. Di ko kasi siya kayang tignan siya ng sobrang tagal. Naiinis ako!

TREVOR’S POV

—-namiss niyo ko? Pasaway si writer eh. Puro si Ashley lagi 😛

Nauwe rin sa kasalan ang lahat. Sayang yung effort kung maghanap ng asawa. HMP. Tapos yung napangasawa ko dinaig pa si Hitler. Magset ba naman ng rules? Tapos inisahan pa niya ko sa every night schedule namin kung san matutulog. Pinagbibigyan ko na lang, ayokong makipag-away sa kanya, natatalo lang ako eeh.

Ayun, nauna akong umuwi sa kanya. 6pm pa lang naman. San naman kaya nagpunta ang scary wife ko? Nevermind! Gutom na talaga ako, eto na naman ako, nagpadeliver ng Pizza. Madalas ko tong dinner, masyado kasing masunurin yung asawa ko, ang sabi ipagluto daw ako everyday pero kabaligtaran yung ginagawa.

After kung kumain, nagshower muna ko.

NAGULAT NAMAN AKO SA LAMIG NG TUBIG!!! Pagkatapos, bumaba ako sa sala para manuod ng bagong bili kong movie.

Maya-maya dumating na si Ashley, dire-direcho siya sa kwarto. Pero bumaba din siya after 10minutes siguro tapos naupo sa kabilang sofa. Nagulat ako ng kunin niya yung remote tapos nilipat sa ibang channel. Nanunuod naman ako ineng! >.<

“Ashley naman ! nanunuod yung tao!” sita ko sa kanya.

“Napanuod ko na yun eeh.” Sagot naman niya, adik talaga to!

“eh hindi ko pa napapanuod eh! Ibalik mu nga dun!” sabi ko na naiinis.

“Ayoko, mas maganda to oh!” sabi niya, pasaway. ANONG MAGANDA SA SPONGEBOB?

“ano ka ba naman! Cartoon lang yan eeh” reklamo ko.

“eeh favorite ko to eeh, bakit ba!” bwisit to.

“eh ako nauna dito! Wag ka ngang bastos!” promise magsasalita pa yan!

“sinong bastos? Gusto mong masaktan?” banta niya sakin. Im scared grabe.

“IKAW! Sino pa bang bastos dito? Ikaw lang naman!” bulyaw ko sa kanya.

“Oh ayan! Kainin mo!!” sigaw naman niya sakin tapos binato sakin yung remote! Tumama sa braso ko, maasakit ah!!! Pasaway talaga tong babaeng to!

“ikaw napaka sadista mo!!” sabi ko.

“GO TO HELL!!” sabi niya tapos umakyat ng kwarto!

KAWAWA NAMAN AKO T.T

One comment on “My Sadist Princess

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s